Home NATIONWIDE Status conference ni Digong sa ICC sa Hulyo 14, kinansela

Status conference ni Digong sa ICC sa Hulyo 14, kinansela

2
0
(c) Gail Mendoza

MANILA, Philippines – Kinansela ng International Criminal Court Trial Chamber III ang ikatlong status conference ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sana sa Hulyo 14.

“The Chamber decided as such in light of the parties and participants indicating that they do not have specific matters which require attention at this stage of the proceeding,” ayon sa pahayag ng ICC.

Ang susunod na status conference ay itinakda sa Setyembre 16, habang nakatakda namang magsimula ang paglilitis kay Duterte sa Nobyembre 30, Lunes.

Nahaharap si Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng umano’y mga pagpatay noong panahon niya bilang Pangulo at alkalde ng Davao City.

Sa unang status conference noong Mayo 27, itinakda ng Chamber ang pagbubukas ng paglilitis kay Duterte sa Nobyembre 30, 2026. Iniutos din nito ang muling pagsusuri sa kakayahan ni Duterte na humarap sa paglilitis.

Sa ikalawang status conference noong Hunyo 23, binalaan ng Trial Chamber ang mga partido sa kaso laban sa pagbibigay ng komento sa media hinggil sa mga proseso ng paglilitis.

Inaresto si Duterte noong Marso 2025 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Kasalukuyan siyang nakakulong sa ICC Detention Centre sa Scheveningen, The Hague, Netherlands.

Samantala, pinagbigyan din ng ICC ang hiling ng mga prosecutor para sa “materials in the custody of the registry” kaugnay ng kaso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here