Home NATIONWIDE Visayas grid isinailalim sa yellow alert

Visayas grid isinailalim sa yellow alert

3
0

MANILA, Philippines – Nagresulta sa pagdedeklara ng yellow alert sa Visayas grid ang patuloy na unavailability ng ilang power plant.

Sa abiso ng National Grid Corp. of the Philippines, (NGCP), isasailalim sa yellow alert ang Visayas grid mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi ngayong Biyernes, Hulyo 10.

Nasa 2,548 megawatts ang available capacity ng grid habang ang inaasahang demand ay aabot sa 2,334 MW.

Ito ay dahil nananatiling unavailable ang Units 1 at 2 ng Therma Visayas Inc. (TVI) kasama ang Palm Concepcion Power Corp.

Sinabi ng NGCP na may 11 power plants ang naka-forced outage ngayong buwan, habang apat iba pang planta ang unavailable mula Hunyo, pito mula Mayo, isa mula Marso, tatlo mula 2025, tatlo mula 2024, dalawa mula 2023, at isa mula 2021.

Mayroon 15 iba pa ang nag-ooperate sa derated capacity na nagresulta sa total loss na 971.7 MW sa grid. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here