Home NATIONWIDE Komunikasyon ng Simbahan palalakasin sa bagong website ng CBCP

Komunikasyon ng Simbahan palalakasin sa bagong website ng CBCP

2
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang binagong website na naglalaman ng mga dokumento ng Simbahan, resources, at impormasyon tungkol sa mga programa at pahayag ng mga Obispo at Diyosesis.

Inanunsyo ito ni CBCP President at Arsobispo ng Lipa na si Gilbert Garcera sa 132nd plenary assembly sa Ozamis nitong Miyerkules.

Ayon kay Garcera, ang cbcp.ph ay bahagi ng hakbang ng CBCP para palakasin ang ebanghelisasyon sa pamamagitan ng mas maayos at mabilis na komunikasyon.

Makikita rito ang mga opisyal na pahayag, liham pastoral, balita, impormasyon ng mga diyosesis, at mga materyal mula sa mga komisyon ng CBCP.

“Nakatuon ang bagong website sa mga pinakabagong pahayag ng mga obispo, mga nalalapit na aktibidad ng Simbahan, at mga pambansang proyekto. Mayroon din itong direktang link sa mga komisyon, profile ng diyosesis, listahan ng mga Obispo, at opisyal na dokumento ng Simbahan,” sabi sa ulat.

Accessible ang site sa desktop at mobile, at nag-aalok ito ng liturgical resources, pastoral materials, at mga searchable directory para mas madaling makakuha ng impormasyon ang mga pari, mamamahayag, at laykong Katoliko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here