Home NATIONWIDE Upskilling, wage increase sa mga manggagawang Pinoy pinatututukan ni PBBM sa DOLE

Upskilling, wage increase sa mga manggagawang Pinoy pinatututukan ni PBBM sa DOLE

2
0

MANILA, Philippines – PINATUTUTUKAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Labor Department Secretary Francis Tolentino ang mga programang magpapahusay sa kakayahan o kasanayan ng mga manggagawa gayundin ang wage increase.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ginagawa na ito ngayon ni Tolentino kasunod ng nasabing direktiba ng Pangulo.

Aniya, bahagi ito ng pagnanais ng Pangulo na palakasin ang labor sector at pangalagaan ang mga manggagawang Pinoy.

Batid naman aniya ng ahensiya na napapanahon ng paunlarin ang labor force ng bansa at mamuhunan sa employable skills para gawing future-ready ang mga Filipino workers.

Winika pa ni Castro na kabilang din nais ng Pangulo ay ang palawakin pa ang Trabaho Agad job fairs na target na makapagbigay ng libo-libong job opportunities sa mga naghahanap ng trabaho sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here