Home HOME BANNER STORY VP Sara wala namang itinulong sa PBBM admin – Malakanyang

VP Sara wala namang itinulong sa PBBM admin – Malakanyang

2
0

MANILA, Philippines – HABANG abala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gampanan ang kanyang tungkulin para sa bansa ay wala namang nagawa si Vice President Sara Duterte para tulungan ang administrasyon para makamit ang development agenda nito.

“Ano ba ang naitulong na ng Bise Presidente sa Pangulo patungkol sa kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran ng bansa? Wala,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro bilang tugon sa pahayag ni VP Sara sa mga opisyal ng gobyerno na tigilan na ang manawagan para sa ‘transparency at accountability’ kung saan ang kanilang tunay na layunin ay ang kanilang pansariling “political interests.”

Nanawagan din kasi si VP Sara sa gobyerno na ituon ang kanilang pansin sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at national development.

Ang buweltang tugon naman ni Castro ay nananatiling nakapokus ang administrasyong Marcos sa pamamahala habang patuloy na nagsisilbing gabay ng administrasyon ang ‘transparency, accountability, at pagsunod sa constitutional processes.

Aniya pa, makabubuti na manawagan na lamang si VP Sara sa kanyang mga kaalyado na tumigil na sa pamumulitika at tigilan na rin ang pagpapakalat ng false information laban sa Pangulo at sa administrasyon.

“Ang dapat pagsabihan ni VP Sara ay yung mga kaalyado niya na puro pamumulitika at pagkakalat ng fake news para sirain si Pangulong Marcos Jr. at ang administrasyon upang iluklok siya kaagad na Pangulo kahit wala pang 2028,” ayon kay Castro.

Dinepensahan naman ni Castro ang governance agenda ng administrasyon at pinanatili na wala ni isa man mula sa gobyerno ang namumulitika lamang.

“Bakit titigilan ang pagsulong ng transparency and accountability? Parte ito ng mandato at obligasyon ng bawat public servant,” aniya pa rin.

Tinuran pa ni Castro na ang tungkulin ni VP SAra bilang Bise-Presidente ay sagutin ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya, sabay sabing ang nagpapatuloy na impeachment process ay nakapaloob sa Konstitusyon.

Pinasaringan naman ni Castro si VP Sara dahil sa “more often on vacation and traveling abroad,” habang ang Pangulo ay patuloy at walang kapagurang nagta-trabaho.

“Obligasyon niya bilang Bise Presidente na sagutin ang mga inaakusa sa kanya. Ang pagtatago ng katotohanan patungkol rito ay pagtataksil sa bayan. Walang namumulitika rito,” ani Castro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here