MANILA, Philippines – Fit to travel na si Senador Rodante Marcoleta, ayon sa doktor ng
Philippine National Police (PNP) na sinabi nito sa Sandiganbayan Third Division nitong Biyernes, Hulyo 10.
Noong Lunes ay naglabas ng warrant of arrest ang Third Division ng Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay Marcoleta kaugnay sa kasong plunder.
Tinanggap ng PNP General Hospital si Marcoleta sa kaparehong araw matapos dumaing ng pananakip ng dibdib at hypertension.
Sa pagdinig, tinanong ni Associate Justice Karl Miranda kay Lt. Col. Benaly Bayani, hepe ng Internal Medicine sa PNP General Hospital, kung fit to travel si Marcoleta.
Bilang tugon, sinabi ni Bayani na ang kondisyon ni Marcoleta ay mas bumuti na at ngayon ay fit to travel na. RNT/JGC