Home HOME BANNER STORY 6 patay, 3 nawawala sa landslide sa Sarangani

6 patay, 3 nawawala sa landslide sa Sarangani

2
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang anim katao sa landslide na tumama sa Malapatan, Sarangani nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 10.

Mayroon namang tatlo iba pa ang nawawala sa pagguho ng lupa.

Sinabi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Malapatan na 10 indibidwal ang natabunan ng landslide.

Nagsasagawa ng search and rescue operation sa ground zero sa Sitio Fundao, Barangay Poblacion.

Ilang araw nang nararanasan ng Sarangani at ilang lugar sa Mindanao ang malalakas na pag-ulan dahil sa Habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here