Home NATIONWIDE Akusasyon ni Baste laban kay PBBM, pinalagan ng Palasyo

Akusasyon ni Baste laban kay PBBM, pinalagan ng Palasyo

2
0

MANILA, Philippines – PINALAGAN ng Malakanyang ang akusasyon ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na ginagamit ng administrasyon ang batas upang parusahan ang mga taong ayaw o hindi sumusunod dito.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ““Gusto ba nila na hindi kikilos ang gobyerno, hindi susundin ang sinasabi ng batas at hayaan na makaalpas at makaligtas ang mga naaakusahang gumagawa ng krimen laban sa bayan.”

Kaya nga hinamon ni Castro ang mga gumagawa ng alegasyon ng political persecution na direktang tugunan ang akusasyon laban sa kanila sa halip na ipag-ingay na sila’y politically persecuted.

Aniya pa, sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang government authority ay “being exercised properly and in accordance with the law.”

“Bakit hindi sagutin ng diretso ang pag aakusa at hindi puro bintang na pinupulitika sila,” ani Castro.

Tinukoy din ni Castro ang alegasyon na ibinabato sa kapatid ni Mayor Baste na si Vice President Sara Duterte, sabay sabing hanggang ngayon ay walang pagtanggi sa akusasyon na may kaugnayan sa di umano’y maling paggamit ng public funds ang mga nakalipas na pahayag nito kabilang na ang di umano’y usapan sa isang killer.

“Nadinig na ba nila na itinanggi ng Bise Presidente ang isyung paglulustay ng pondo ng bayan at ang pag-amin niyang kumakausap siya ng killer para pumatay,” ayon kay Castro.

Binanggit din ni Castro ang 2011 incident nang suntukin ni VP Sara ang isang sheriff, binigyang diin na ang pag-atake sa isang opisyal ay nagpapatatag ng isang “real abuse of power.”

Tinuran ni Castro na nananatiling committed ang administrasyon sa rule of law at pinaalalahanan na ang legal processes ay dapat na magpatuloy alinsunod sa Konstitusyon at umiiral na batas. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here