Home METRO Vendor arestado sa pagbebenta ng sumpak

Vendor arestado sa pagbebenta ng sumpak

3
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang vendor nang mabisto ang dalang sumpak o improvised firearm na kanya umanong ibinebenta sa Malabon City, Miyerkules ng gabi.

Sa ulat, itinawag ng barangay sa tanggapan ni Malabon City Officer-in-Charge P/Col. Kenneth Mission ang ginagawa umanong pagbebenta ng sumpak ng suspek sa Brgy. Longos.

Kaagad namang nagresponde sa lugar ang mga tauhan ni Col. Mission subalit, nang mapansin ng suspek ang pagdating ng mga ito ay nagmadali itong tumakas.

Gayunman, napansin ng mga pulis ang lumantad na bahagi ng sumpak na nakalagay sa bitbit na eco bag ng suspek kaya hinabol siya ng mga ito hanggang sa maaresto.

Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang improvised shotgun at dalawang bala ng 12-guage na nakalagay sa dalang eco bag ng suspek.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A.10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here