Home NATIONWIDE Interfaith rally sa Liwasang Bonifacio, ‘di alintana Bagyong Inday

Interfaith rally sa Liwasang Bonifacio, ‘di alintana Bagyong Inday

3
0

MANILA, Philippines – Tuloy at hindi inalintana ng mga nagtipon-tipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang pagbuhos ng malakas na ulan bunsod ng Bagyong Inday para lamang magsagawa ng interfaith rally laban sa korapsyon.

Ngayong hapon, unti-unti nang dumarating sa Liwasang Bonifacio ang mga magsasagawa ng kanilang rally na magtatagal hanggang mamayang gabi.

Nagsimula ang rally alas-3 ng hapon at magtatapos ng alas-11 ng gabi.

Sa kabila nito, bagamat maulan ay may mga nakadeploy na rin na mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) para sa seguridad at operasyon para tiyaking magiging maayos ang isasaawang rally sa lungsod.

Ayon sa mga protesters, nais nilang ipunto ang rebolusyon ng bayan kontra korapsyon.

Anila, ang pinagkakaabalahan ngayon ng gobyerno ay ibulsa ang kaban ng bayan at mga pansariling interes at kasuhan at ipakulong ang mga nagbubunyag sa mga nangyayari sa ating pamahalaan.

Ayon kay MPD P/Brig.General Arnold Santiago, sa atas ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, naghanda ang kapulisan para maitaguyod ang seguridad, parking spaces at mapanatiling maayos ang isinasagawang aktibidad.

Pakiusap naman ni Santiago sa mga nagpoprotesta na panatilihin ang kapayapaan, kalinisan, kaayusan, at pakikitungo sa mga kababayan dahil sa Liwasang Bonifacio aniya ay hindi naman ipinagbabawal ang ganitong aktibidad dahil ito ay isa sa mga freedom park sa Maynila para mailabas at maihayag ang kanilang mga saloobin.

Sa ngayon, sinabi ni Santiago na mapayapa naman ang isinasagawang interfaith rally sa nasabing freedom park. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here