Manila, Philippines – As we all know, pumanig ang korte sa TVJ Productions, Inc. sa kasong isinampa nito laban kay Anjo Yllana.
Bunsod ito ng mga mapanirang-puri ng pahayag ng komedyante laban sa mga hosts ng Eat Bulaga through TikTok.
Dahil dito, pinagbabayad si Anjo ng P3.5 million bilang danyos.
Ito ang ibinabang desisyon ng Branch 279 ng RTC ng Mandaluyong City.
Naglabas din ang korte ng permanent injunction laban kay Anjo na nagbabawal sa kanya na mag-post, mag-share, mag-broadcast o mag-upload ng kanyang mga pahayag sa TikTok at iba pang social media at digital platforms.
Hindi daw rason ang freedom of speech para manira ng ibang tao.
Ayon sa TVJ Productions: “This victory is a defense of the integrity of Eat Bulaga, its hosts and the trust that generations of viewers have placed in the program.”