Home METRO Pulis-Maynila, patay matapos aksidenteng mabaril sarili

Pulis-Maynila, patay matapos aksidenteng mabaril sarili

3
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis-Maynila matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang naka-duty sa Sampaloc, Maynila noong Nobyembre 2.

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Manila Police District (MPD) ang insidente, ngunit hindi na nagbigay ng karagdagang detalye tungkol sa nangyari.

Tumanggi na ring magbigay ng iba pang impormasyon ang MPD bilang paggalang sa kahilingan ng pamilya na panatilihin ang kanilang privacy habang nagluluksa sa hindi inaasahang pagpanaw ng pulis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here