Home NATIONWIDE Malakanyang, kumpiyansang anumang pahayag ng Tsina ‘di makaaapekto sa ASEAN meeting ngayong...

Malakanyang, kumpiyansang anumang pahayag ng Tsina ‘di makaaapekto sa ASEAN meeting ngayong buwan

2
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Malakanyang na hindi makaaapekto ang kamakailan lamang na pahayag ng Tsina sa magiging pagdalo ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa nalalapit na summit sa Pilipinas ngayong Nobyembre.

“Nakikipag-ugnayan po ang bansang Pilipinas sa lahat ng miyembro ng ASEAN at sa ibang bansa na maaaring makilahok dito sa ASEAN Summit. So, mararamdaman naman ng ibang mga liderato kung paano ba nakikipag-ugnayan ang ating bansa sa kanila,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“So, sa ating pagkakaalam ay hindi naman ito maaapektuhan sa darating na ASEAN Summit,” aniya pa rin.

Nauna rito, inakusahan ni Chinese Defense Ministry Spokesperson Zhang Xiaogang ang Pilipinas na nilabag umano ang prinsipyo ng ASEAN na nakabatay sa consensus at hindi iginalang ang karapatan ng China bilang dialogue partner.

Ito ay matapos na defense attaché ng China, sa halip na defense minister nito, ang dumalo sa ADMM-Plus.

“The Philippine side has allowed a certain self-serving politician to act recklessly and abuse its chairmanship to put up obstacles to China’s participation,” pahayag ni Zhang sa statement na ibinahagi ng Chinese Embassy Manila nitong Huwebes.

Iginiit din ni Zhang na may ilang bansang kasapi ng ASEAN na kumuwestiyon at tumutol umano sa naging hakbang ng Pilipinas.

Para kay Castro, mas makabubuti kung dadalo si Chinese President Xi Jinping sa ASEAN Summit para pag-usapan ang mga bagay sa pagitan ng mga karatig bansa.

“Mas maganda po na dumating po talaga ang liderato ng China dahil mas magandang pagkakataon ito para mapag-usapan kung ano man yung maaaring may gusot at doon magkaroon na pagkakataong maresolba,” ayon kay Castro.

“Kasi kaya nga po ito summit, para kung ano man yung mga issues among the region ay mapag-usapan at maayos,” anito.

At nang tanungin si Castro kung inimbitahan ba ng Pangulo ang kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping na dumalo sa ASEAN Summit, sinabi ni Castro na ibabahagi niya ang detalye ukol dito sa oras na makakuha na siya ng detalye mula sa Department of Foreign Affairs (DFA). (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here