Home HOME BANNER STORY Inday, Habagat patuloy na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa bansa

Inday, Habagat patuloy na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa bansa

3
0

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa bansa ang Bagyong Inday at ang pinalakas nitong Habagat ngayong Sabado, Hulyo 11.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Inday sa layong 490 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 170 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Ngayong araw, makararanas ng mabagyong panahon ang Batanes dahil sa Bagyong Inday.

Mga pag-ulan na may pabugso-bugsong malakas na hangin naman ang inaasahan sa Cagayan dahil din sa bagyo.

Ang Metro Manila, MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Cavite, at Batangas ay magkakaroon ng pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan dahil sa Habagat.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm naman ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Isabela dahil sa Bagyong Inday.

Samantala, ang Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, nalalabing bahagi ng Luzon, at nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa Habagat.

Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Habagat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here