Home NATIONWIDE Chua kay VP Sara: Mga tao naghihintay sa paliwanag tungkol kay Mary...

Chua kay VP Sara: Mga tao naghihintay sa paliwanag tungkol kay Mary Grace Piattos

3
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala si Manila Rep. Joel Chua kay Vice President Sara Duterte na naghihintay ang mga tao sa araw na mailalantad na niya ang tunay na katauhan ni Mary Grace Piattos.

Sa press briefing nitong Biyernes, Hulyo 10, tinanong si Chua tungkol sa pahayag ni Duterte na hinihimok ang mga opisyal ng pamahalaan na iwasan ang pamumulitika at pagtatago ng kanilang intensyon sa likod ng mga panawagan ng transparency at accountability.

Sinabi rin ni Duterte na dapat umanong tutukan ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagtugon sa kapayapaan at kaayusan, kasabay ng mga problema sa ekonomiya na matagal nang hinihintay ng mga mamamayan.

Bilang tugon, sinabi ni Chua na matagal na rin umanong hinihintay ng mga tao na sagutin ni Duterte ang iba’t ibang mga isyu patungkol sa kanya.

“The people have also been waiting for the time that she will answer who Mary Grace Piattos really is. People have been waiting for her to face and answer all the allegations raised against her during the impeachment proceedings,” ani Chua, miyembro ng prosecution team sa impeachment trial ni Duterte.

“And the people have been waiting for a long time for her to answer where she got the money for the P6.7 billion worth of transactions seen by the AMLC (Anti-Money Laundering Council). I hope she answers that first before she says that we are merely politicking,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here