Home NATIONWIDE Habagat patuloy magpapaulan sa Luzon, Visayas

Habagat patuloy magpapaulan sa Luzon, Visayas

3
0
Screenshot

MANILA, Philippines – Bagama’t lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Inday, patuloy nitong pinalalakas ang Habagat, na magdadala ng malawakang pag-ulan sa Luzon at Visayas, ayon sa PAGASA.

Inaasahan ang madalas na pag-ulan sa Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro, na maaaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa.

Magiging maulap naman ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Visayas na may kalat-kalat na ulan at pagkulog-pagkidlat. Posible rin ang malalakas na buhos ng ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide.

Sa Mindanao, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms. Nagbabala ang PAGASA na maaari pa ring magkaroon ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na tatamaan ng malalakas na thunderstorm.

Nagdudulot din ang Habagat ng maalon hanggang mapanganib na karagatan sa ilang baybayin. Pinayuhan ng PAGASA ang maliliit na sasakyang pandagat at mga mangingisda na mag-ingat at iwasang pumalaot kung hindi kinakailangan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here