Home METRO 13 wanted persons, nalambat sa manhunt ops ng NPD sa CaMaNaVa area

13 wanted persons, nalambat sa manhunt ops ng NPD sa CaMaNaVa area

3
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 13 wanted persons, kabilang ang walong most wanted person ang nalambat sa pinaigting na manhunt operation ng Northern Police District (NPD) at mga police station sa lugar ng CaMaNaVa.

Isang 23-anyos na college student na residente ng Barangay 27, Caloocan City, ang inaresto ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD sa bisa ng arrest warrant para sa kasong Attempted Rape na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 126, Caloocan City, na may inilaang piyansa na P120,000.

Nadakip naman ng mga operatiba ng District Intelligence Division – Intelligence Operations Section (DID-IOS) ang 38-anyos na lalaki na akusado sa Frustrated Murder na inisyu ng RTC, Branch 126, Caloocan City, na may inirekomendang piyansa na P200,000.

Sinilbihan ng mga operatiba ng Caloocan Police Warrant and Subpoena Section ng warrant of arrest para sa kasong Murder na inisyu ng RTC, Branch 126, Caloocan City, na walang inirekomendang piyansa ang 36-anyos na lalaki habang nakakulong sa BJMP ng Caloocan City.

Habang dinampot naman ng mga tauhan ng Bagong Bagong Barrio Police Sub-Station 5 sa bisa ng arrest warrant para sa paglabag sa RA 6539 (Anti-Carnapping Act) na inisyu ng RTC Branch 13, Malolos City, Bulacan, na may inilaang piyansa na P180,000 ang 29-anyos na babaeng cook at residente ng Barangay 5, ng lungsod.

Sa Malabon, isinilbi rin ng mga operatiba ng WSS-CCPS ang arrest warrant para sa kasong Murder na inisyu ng RTC Branch 126, Caloocan City, na walang inirekomendang piyansa laban sa 40-anyos na ginang na kasalukuyang nakapiit sa BJMP Female Dorm.

Inaresto naman ng mga operartiba ng WSS ng Navotas CPS ang 23-anyos na bartender na residente ng Barangay San Jose, Navotas City, sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5(1) ng RA 9262 at Section 4(d) ng RA 9995 na inisyu ng Family Court, Branch 9, Navotas City.

Natimbog din ng mga operatiba ng WSS ng Valenzuela CPS ang 51-anyos na driver na residente ng Barangay Bancal, Meycauayan City sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng RTC Branch 172, Valenzuela City para sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na P200,000.

Hinihikayat naman ni NPD Acting Director P/BGen. Benliner Capili ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga taong pinaghahanap ng batas at iba pang kahina-hinalang gawain. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here