Home NATIONWIDE Pagpapairal ng rule of law, ipinanawagan ng CBCP

Pagpapairal ng rule of law, ipinanawagan ng CBCP

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan at publiko na pairalin ang pananagutan at rule of law sa mga isyu ng katiwalian at impeachment kay Vice President Sara Duterte. 

Ayon kay Fr. Jerome Secillano ng CBCP, hindi nagbago ang posisyon ng Simbahan na dapat sa legal at demokratikong proseso lutasin ang mga kontrobersiya. 

Suportado ng Simbahan ang pananagutan ng mga opisyal at imbestigasyon sa flood control funds. Pero wala itong kapangyarihang mag-imbestiga o magsampa ng kaso, “moral suasion” lang sa pamamagitan ng pahayag at panawagan. Hindi rin totoo na tahimik ang Simbahan sa isyu. 

Ayon pa sa CBCP,  hindi kaaway ng Simbahan si VP Duterte at hindi bahagi ang mga pari at obispo sa paglilitis dahil ito ay constitutional at political process. Kahit may mga paring pumirma sa reklamo, hindi ito opisyal na paninindigan ng buong Simbahan. 

Panawagan ni Fr.Secillano, hayaan ang proseso at batas na umiral. 

Hinikayat ni Fr. Secillano ang publiko na ipagdasal ang katotohanan, katarungan, at kabutihan ng bayan, pati ang mga nasa gobyerno para magawa nila ang tama. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here