Home METRO MARINA, PCG sanib pwersa sa mas mahigpit na kaligtasan, kalayaan sa sea...

MARINA, PCG sanib pwersa sa mas mahigpit na kaligtasan, kalayaan sa sea transport

3
0

SURIGAO DEL NORTE, Philippines – Pinagtibay ng MARINA Regional Office XIII at PCG Northeastern Mindanao District ang kanilang kooperasyon para mas mapahigpit ang kaligtasan at kaayusan ng sea transport sa rehiyon.

Pinangunahan ni MARINA RO-XIII Regional Director Engr. Jedini Nur A. Sibal ang pagtanggap sa grupo ng PCG NEM na pinamumunuan ni District Commander Commo. Jaybom J. Calica.

Kabilang sa mga napag-usapan ang rehabilitasyon ng Lipata Port at ang paghahanda para sa pansamantalang paglipat ng ilang barko sa Surigao Base Port.

Pagpapalawak ng Mobile Registration sa iba’t ibang lugar sa rehiyon para mas maabot ang mga operator ng tourist boats at marehistro ang mga unlicensed na sasakyang pandagat, lalo na sa mga sikat na tourist spots.

Sa mas mahigpit na ugnayan ng MARINA at PCG, layunin na masisiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at mas gaganda ang serbisyo para sa mga biyahero sa Caraga Region. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here