Home METRO Programa kontra baha ng Subic LGU, epektibo

Programa kontra baha ng Subic LGU, epektibo

3
0

ZAMBALES, Philippines – Sa kabila ng malalakas na buhos ng ulan dulot ng habagat na pinalakas ng Bagyong Inday nanatiling ligtas sa malawakang pagbaha ang ilang mabababang lugar sa bayan ng Subic dahil sa tuloy tuloy na flood mitigation program nina Zambales First District Representative Jay Khonghun at ng lokal na pamahalaan ng Subic sa pamumuno ni Mayor Jonathan “Jon” Khonghun.

Kabilang sa mga lugar na hindi nakaranas ng pagbaha ang mga barangay ng Sto. Tomas, San Isidro, Cawag, Naugsol, Ilwas, Asinan Proper, Aningway at Manggahan na dati ay kabilang sa mga lugar na madaling bahain tuwing malalakas ang ulan.

Malaki ang naitulong ng patuloy na desilting o pagpapalalim ng mga ilog sa Manggahan, Ilwas at Sacatihan gayundin ang masinsinang paglilinis ng mga creek, estero at kanal sa iba t ibang barangay upang maging maayos ang daloy ng tubig ulan at maiwasan ang pag apaw ng mga ilog.

Una nang tiniyak ng LGU Subic na mapa La Niña man o El Niño ay hindi ito tumitigil sa paghahanda at pagpapatupad ng mga programang naglalayong protektahan ang buhay at kabuhayan ng mga Subikenyo laban sa epekto ng kalamidad.

Samantala nagpaabot naman ng kanilang taos pusong pasasalamat ang maraming residente sa maagap at tuloy tuloy na aksyon ng lokal na pamahalaan ng Subic  bago pa man dumating ang panahon ng tag ulan.

Malaking ginhawa umano ang kanilang naramdaman dahil hindi na nila kinailangang lumikas o mag alala sa biglaang pagbaha sa kabila ng matinding ulan na naranasan sa kasagsagan ng masamang panahon. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here