Home NATIONWIDE NAIA Terminal 3 magpapatupad ng temporary na pagbabago sa drop-off simula Hulyo...

NAIA Terminal 3 magpapatupad ng temporary na pagbabago sa drop-off simula Hulyo 15

3
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng pansamantalang mga pagbabago sa drop off lane ng mga pasahero upang magbigay-daan sa paglalagay ng canopy sa departure curbside ng terminal.

Sa abiso nitong Linggo, Hulyo 12, sinabi ng NAIA na ang temporary changes ay epektibo Hulyo 15 hanggang Agosto 14, mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

Ayon sa NAIA, ang mga pasahero ay ida-drop off sa left side lane at ang right side lane ay isasara sa mga sasakyan.

Sa mga oras na ito, ang inner departure lane ay pansamantalang isasara.

Magpapatuloy naman ang passenger drop-offs sa mga natitirang lane.

“If traffic builds up, departing passengers may also be dropped off at Arrival Bays 1 and 8, then use the nearest elevators to reach the check-in counters,” sinabi ng NAIA.

Maglalagay naman ng traffic marshals at directional signs para umasiste sa mga motorista at mga pasahero. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here