Home NATIONWIDE Nalalapit na pagputok ng Mayon ibinabala ng PHIVOLCS

Nalalapit na pagputok ng Mayon ibinabala ng PHIVOLCS

3
0
Photo Courtesy: Father Paulo Barandon

MANILA, Philippines – Nagpataas sa posibilidad ng explosive eruption ang pagtaas ng sulfur dioxide (SO2) emissions ng Bulkang Mayon.

Ito ang ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, Hulyo 11 matapos maglabas ng average na 13,128 metric tons ng volcanic SO2 kada araw ang Bulkang Mayon.

Pinakamataas ang emission rate na ito na naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 26 taon, at bahagya lamang mababa sa naitala nang maganap ang explosive eruption ng Mayon noong 2000.

Nananatili naman sa Alert Level 3 ang babala sa bulkan.

Ayon sa PHIVOLCS, ang spike sa SO2 emissions ay sumakto rin sa mas matitinding volcanic activity kabilang ang 97 low-frequency volcanic earthquakes na sinamahan ng volcanic degassing at minor Strombolian activity sa summit crater.

Mayroon ding naitala na 304 rockfall events dulot ng pag-collapse ng bagong lava flow hanggang alas-8 ng gabi nitong Sabado.

Sa kabila ng pagtaas sa aktibidad, sinabi naman ng ahensya na mayroon lamang bahagyang paglobo ng volcanic edifice.

Ibinabala ng PHIVOLCS ang napakataas na SO2 emissions na posibleng senyales ito ng pagbabago sa eruptive behavior at “could even lead to an explosive eruption.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here