Home NATIONWIDE P62.2M iligal na petrolyo nasabat sa Batangas

P62.2M iligal na petrolyo nasabat sa Batangas

3
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang pitong indibidwal matapos makumpiska ang P62.2 milyong halaga ng diesel at tugboat sa kampanya laban sa iligal na bentahan ng petrolyo sa Barangay Wawa, Batangas City.

Sa kalatas ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo, Hulyo 12, ikinasa ang joint operation ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 4A (CIDG RFU4A) at Batangas, at Batangas Maritime Police na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na sangkot sa bentahan ng diesel fuel na walang kaukulang lisensya mula sa Department of Energy.

Narekober sa operasyon noong Hulyo 9 at 10 ang tugboat na may kargang 31,199 litro ng diesel fuel, limang plastic container na naglalaman din ng petrolyo, at marked buy-bust money.

Nasa kustodiya na ng CIDG RFU-4A ang mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at paghahain ng reklamo.

Nananatili naman sa Batangas Maritime Police Station ang tugboat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here