Home NATIONWIDE Pagpapatupad ng wage hike sa minimum earners itutuloy na ng DOLENATIONWIDETOP STORIES Pagpapatupad ng wage hike sa minimum earners itutuloy na ng DOLEJuly 13, 2026 12:2420 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Tuloy na bago matapos ang Hulyo ang pagpapatupad ng wage hike sa mga minimum wage earners.Ito ang tiniyak ni Labor Sec. Francis Tolentino matapos maantala ang pagpapatupad nito na sana ay July 19.Ayon kay Sec. Tolentino, sa darating na July 25 ay ipapatupad na ang dagdag sahod.Paliwanag ni Sec. Tolentino, naantala ang publication hinggil sa nasabing wage hike na isa sa mga pangunahin proseso ng DOLE.Aniya, sisimulan ang wage hike sa National Capital Region (NCR) bago ipatupad sa Region-4A, Region-7 at Central Luzon.Matatandaan na uunahin ang P60 na dagdag sa mga minimum wage na trabahador saka isusunod ang dagdag na P25 sa 2027. Jocelyn Tabangcura-Domenden