Home NATIONWIDE NBI nagsampa ng reklamo vs ilang opisyal ng Ateneo sa pagkamatay ng...

NBI nagsampa ng reklamo vs ilang opisyal ng Ateneo sa pagkamatay ng 2 atleta

2
0

MANILA, Philippines – Dumating na sa Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagsasampa ng reklamo laban sa mga sangkot sa pagkamatay ng dalawang student-athlete ng Ateneo De Manila University sa Dipaculao, Aurora.

Ilang kinatawan ng ADMU ang ipaghaharap ng kaso kasunod ng pagkalunod sa mga basketbolista na sina Rene Baterbonia at Divine Adili

Bitbit ng mga tauhan ng NBI ang kahon kahon na mga dokumento kaugnay sa ginawa nitong imbestigasyon

Nauna nang sinabi ng NBI na kasama sa mga reklamong isasampa nila ay reckless imprudence resulting to homicide laban kay dating head coach Tab Baldwin, anim na assistant coaches, at isang physical therapist ng Ateneo.

Hiwalay na reklamong simple negligence ang umanoy inirerekomendang isampa laban sa may-ari ng resort, at athletics director ng Ateneo dahil sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here