Home METRO Mag-anak nakuryente habang naliligo, dedbol

Mag-anak nakuryente habang naliligo, dedbol

3
0

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang pamilya na kinabibilangan ng mag-asawa at anak na nakuryente habang naliligo sa kanilang banyo sa San Luis, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng ama ng pamilya na 36 anyos na barangay tanod, ang kanyang misis at Grade 5 na anak na lalaki na residente sa naturang lugar.

Ayon sa kapatid ng lalaking biktima na si Alfredo Costales Jr., nadatnan ng kanilang ama ang kanyang kapatid, asawa at pamangkin na halos magkakapatong sa likuran ng kanilang bahay na wala ng buhay.

Posibleng nagsampay ang kanyang kapatid, na katatapos maligo, sa alambre na naidikit naman sa yerong dumikit sa kawad ng kuryente kung saan ay may mga naidugtong umanong bahagi ang kuryente na walang balot at sumayad sa yero.

Sa tindi ng pagkakakuryente ay parang litson na baboy na nangitim at pumutok ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga biktima.

Maswerte naman hindi pumunta sa likuran ang tatlong taong gulang na anak pang lalaki na naiwang mag-isa sa loob ng kanilang bahay. Dahil ulila na ang bata, pag-uusapan pa umano nilang magkakapamilya kung sino ang mag-aalaga sa kanya.

Samantala, labis ang pagkabigla ng Brgy. San Luis council sa pamumuno ni Punong Brgy. Ernesto Ramones dahil halos 20 taon ang ginugol ng biktima sa pagsisilbi bilang barangay tanod sa kanilang na labis ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng mag-asawa’t anak. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here