Home METRO 2 lalaki, naaktuhang sumisinghot ng droga, huli sa Valenzuela

2 lalaki, naaktuhang sumisinghot ng droga, huli sa Valenzuela

3
0

MANILA, Philippines – Bagsak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaktuhang gumagamit umano ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Batay sa ulat, nagsasagawa ng anti-criminality operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Jospeh Talento nang maaktuhan nila ang isang lalaki na sumisinghot umano ng droga sa Karuhatan Public Cemetery sa Padrigal St., Brgy., Karuhatan pasado ala-1:45 ng madaling araw.

Kaagad nila itong nilapitan sabay nagpakilala bilang mga pulis na nakatalaga sa Police Sub-Station 9 bago inaresto at nakumpiska sa suspek na si alays “Rey”, 37, ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at mga drug parapernalya.

Nauna rito, alas-11:30 ng gabi nang mahuli din sa akto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 si alyas “Alvin”, 35, na gumagamit din umano ng droga sa loob ng isang bahay sa Urutia St., Brgy., Gen T De Leon.

Nakumpiska rin sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid umano ng hinihinalang shabu at mga drug parapernalya.

Na-inquest na ang mga suspek kaugnay sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here