Home NATIONWIDE Atty. Baligod, ipinaaaresto ng korte sa Makati

Atty. Baligod, ipinaaaresto ng korte sa Makati

3
0

MANILA, Philippines — Naglabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court Branch 148 laban kay Atty. Levito Baligod kaugnay ng cyber libel case na inihain ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Kinumpirma ni Baligod sa isang social media post na natanggap na niya ang kopya ng warrant.

“Kakatanggap ko ngayon ang kopya ng Warrant of Arrest laban sa akin. Nakalusot ang kaso na ito ni DA Secretary Laurel Tiu dahil sadyang MALI ang binigay na address ko sa Piskalya, kaya naman hindi ako nakatanggap ng subpoena at hindi naka-sumite ng counter-affidavit.,” pahayag ni Baligod.

Nag-ugat ang kaso sa mga pahayag ni Baligod tungkol sa umano’y paghahatid ng pera na kinasasangkutan ng 18 dating aide ng puganteng dating mambabatas na si Zaldy Co.

Ayon umano sa mga dating aide, naghatid sila ng mga maletang naglalaman ng pera sa ilang opisyal ng pamahalaan, kabilang ang tahanan ni Laurel sa Forbes Park, Makati.

Mariing itinanggi ni Laurel ang mga alegasyon at tinawag ang mga ito na “pure lies.” Inihain niya ang cyber libel complaint noong Marso 19, 2026. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here