MANILA, Philippines — Isang magnitude 5.0 na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, madaling araw ng Martes, Hulyo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang tectonic na lindol dakong alas-1:44 ng madaling araw at may lalim na 10 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala o aftershocks. Santi Celario