Home NATIONWIDE Lava, nagbabagang magma namataan sa bunganga ng Mayon

Lava, nagbabagang magma namataan sa bunganga ng Mayon

3
0

MANILA, Philippines — Namataan ang pagdaloy ng lava at mga pagbuga ng nagbabagang magma mula sa bunganga ng Bulkang Mayon nitong Lunes ng gabi, Hulyo 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ng PHIVOLCS ang lava effusion na may minor Strombolian activity dakong alas-6:52, alas-8:01, alas-8:29 at alas-9:30 ng gabi sa pamamagitan ng RasPiCam ng Mayon Volcano Observatory.

Inilarawan ang aktibidad bilang moderately explosive eruption na may paisa-isa at panaka-nakang pagbuga ng nagbabagang magma at pagdaloy ng lava.

“Effusive eruption at Mayon Volcano continues for the 189th consecutive day, generating incandescent lava flows and rockfalls,” pahayag ng PHIVOLCS.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon. Muling iginiit ng PHIVOLCS na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong Permanent Danger Zone. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here