MANILA, Philippines — Walang Pilipino sa 27 kataong nasawi sa sunog na tumupok sa isang pub sa Bangkok, Thailand, noong Linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“According to the Philippine Embassy in Bangkok, no Filipinos were among the 27 reported fatalities. The Embassy continues to monitor the situation closely,” sinabi ni DFA spokesperson Analyn Ratonel sa GMA News Online nitong Lunes.
Hindi bababa sa 63 katao ang nasugatan sa insidente, kabilang ang 22 na nasa kritikal na kondisyon, ayon sa Reuters.
Batay sa salaysay ng mga nakaligtas, sinabi ni Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul na biglang sumiklab ang apoy at mabilis na napuno ng makapal na usok ang loob ng pub.
Dahil walang fire exit, maraming kostumer ang nagtangkang tumakas patungo sa likurang bahagi ng establisimyento malapit sa mga palikuran.
Ilang biktima ang nadatnan ng mga rescuer na nakahandusay sa sahig malapit sa mga palikuran ng pub, ayon sa ulat ng Reuters. Dave Baluyot