Home HOME BANNER STORY Josie humina, naging tropical depression

Josie humina, naging tropical depression

3
0

MANILA, Philippines – Humina ang bagyong Josie at isa na lamang tropical depression, ayon sa PAGASA nitong Martes, Hulyo 14.

Huling namataan si Josie 1,070 kilometro silangan ng Timog-Silangang Luzon. Taglay nito ang 45 kph na lakas ng hangin at pagbugsong hanggang 55 kph.

Wala namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal, at sinabi ng PAGASA na malabong direktang makaapekto si Josie sa panahon sa bansa.

Gayunman, magdadala ang Habagat ng malalakas hanggang napakalalakas na bugso ng hangin sa Ilocos Region, CAR, Cagayan Valley, Central Luzon, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Inaasahang kikilos si Josie pahilagang-silangan at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon o gabi. Posible rin itong humina pa at maging low pressure area (LPA) sa loob ng susunod na 12 oras. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here