Home NATIONWIDE DENR bumubuo ng bagong gabay sa pagbabawas ng plastic waste

DENR bumubuo ng bagong gabay sa pagbabawas ng plastic waste

3
0

MANILA, Philippines – Gumagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng bagong gabay upang kilalanin ang mga kumpanyang nagpapatupad ng mga hakbang na nakababawas sa paggamit ng plastik bago pa ito maging basura, alinsunod sa Extended Producer Responsibility (EPR) Act of 2022.

Kabilang sa mga hakbang ang reuse at refill systems, pagbabawas ng packaging, paggamit ng recycled materials, at mas maayos na disenyo ng produkto.

Ayon sa ulat, tinatayang 1.51 milyong metriko tonelada ng plastic waste ang malilikha sa Pilipinas ngayong 2025, at mahigit 839,000 metriko tonelada nito ang posibleng hindi maayos na maitatapon.

Sa ilalim ng EPR Act, obligadong mabawi ng malalaking kumpanya ang malaking bahagi ng plastic packaging na inilalabas nila sa merkado. Noong 2024, 1,117 kumpanya ang nakasunod sa itinakdang 80% plastic recovery target. Tataas ito hanggang 100% pagsapit ng 2028.

Ayon sa United Nations Development Programme (UNDP), mahalagang hindi lamang nakatuon sa pagkolekta ng plastik kundi pati sa pagpigil na makalikha pa ng mas maraming plastic waste. Kasalukuyang kumukuha ang DENR ng mga mungkahi mula sa iba’t ibang sektor upang makabuo ng malinaw at maaasahang pamantayan sa pagsukat ng mga hakbang na ito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here