Home HOME BANNER STORY VP Sara: Impeachment complaint, walang sapat na ebidensya

VP Sara: Impeachment complaint, walang sapat na ebidensya

4
0

MANILA, Philippines — Iginiit ni Vice President Sara Duterte na walang sapat na ebidensyang sumusuporta sa reklamong impeachment laban sa kanya, batay sa pahayag na inilabas niya ngayong Martes, Hulyo 14, 2026 matapos ang ikaapat na araw ng impeachment trial.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na napatunayan umano sa pagdinig na hindi suportado ng ebidensya ang reklamong isinampa laban sa kanya.

Ayon pa sa Bise Presidente, ang paulit-ulit na pag-aangkin na may banta, ang pag-imbento umano ng isang “assassin,” at ang umano’y paggawa ng ebidensya upang suportahan ang mga alegasyon ay hindi nagpapabago sa katotohanan.

Sinabi rin niya na ang ganitong mga hakbang ay nakasisira sa integridad ng mga institusyon ng pamahalaan, nagpapahina sa tiwala ng publiko, nagsasayang ng pondo ng bayan, at nakahahadlang sa paghahanap ng katotohanan.

Binigyang-diin ni Duterte na ang isang impeachment proceeding ay dapat nakabatay sa kapani-paniwalang ebidensya at mga katotohanan, hindi sa espekulasyon, gawa-gawang salaysay, o mga alegasyong walang sapat na batayan.

Ang naturang pahayag ay inilabas habang nagpapatuloy ang impeachment trial sa Senado, kung saan patuloy na inilalahad ng prosekusyon at depensa ang kani-kanilang mga ebidensya at argumento. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here