Home METRO Senior high stude, swak sa P92K droga

Senior high stude, swak sa P92K droga

3
0

MANILA, Philippines – Isang 18 anyos senior high student ang nadakip makaraang makuhanan ng ilegal na droga sa isinagawang buybust operation sa Brgy Bagtas Tanza, Cavite.

Ayon sa report ng Tanza Police kinilala ang suspek na si alyas Clarence, 18 anyos, residente ng Brgy Cabuco,Trece Martires City.

Sa imbestigasyon dakong alas-10:30 ng gabi ng magsagawa nang buybust operation ang Drug Enforcement Team ng Tanza Municipal Police Station laban sa suspek..

Nakumpiska mula sa suspek 4 na plastic sachet na may timbang na humigit kumulang 13.53 gramo na nagkakahalaga ng ₱92,004.00.

Narekober din ang pera na ginamit sa isinagawang operation.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here