Home ENTERTAINMENT Ryan Bang, nag-donate ng P200k sa quake victims!

Ryan Bang, nag-donate ng P200k sa quake victims!

2
0

MANILA, Philippines – Nagdiwang ng kanyang 35th birthday si Ryan Bang.

Pero imbes mag-celebrate, pinili ng It’s Showtime host na magkawanggawa.

Paano?

‘Yun kasing naipon niyang pera ay itinulong ni Ryan sa mga naging biktima ng lindol sa Mindanao kamakailan.

Kuwento niya, mula daw noong maging regular host siya ng It’s Showtime noong 2010, he started saving up P1k a month.

Umabot daw ang kanyang ipon sa P190k supposedly for his birthday.

Dinagdagan na lang niya ito ng P10k para hustong P200k na siyang idinoneyt niya.

Ani Ryan, ikinadurog daw ng kanyang puso ang napanood sa balita.

“May bumagsak na bubong sa isang elementary school…naawa ako sa mga bata,” referring to Mahayahay Elementary School sa Davao na tinamaan ng 7.8 magnitude.

Dahil sa donasyon ni Ryan, naipagawa ang mga nasirang pader at bubong nito–na ipinagpasalamat ng school head. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here