Home ENTERTAINMENT Dingdong Avansado, out na sa ospital, tuloy pa rin ang gamutan!

Dingdong Avansado, out na sa ospital, tuloy pa rin ang gamutan!

2
0

Manila, Philippines – Nakalabas na ng ospital ang Prince of Pop na si Dingdong Avanzado in time for his birthday.

Ipinagdiwang niya ito kasama ang maybahay na si Jessa Zaragosa at anak na si Jayda.

Ayon mismo kay Jessa, while Dingdong was allowed to be discharged from the hospital ay tuloy pa din ang gamutan nito.

Ani Jessa: “Salamat sa Diyos, nakauwi din kagabi. Nakiusap siya sa mga doctors niya na payagan siyang makauwi.

“Pero may nakakabit na IV line sa kanya. Everyday, pupunta kami ng hospital para magpa-IV antibiotics.

“Mga 7 days pa,” ani Jessa.

Sa kabila ng pinagdadaanan, masaya namang nairaos ni Dingdong ang kanyang kaarawan.

Ikinatuwa ni Dingdong ang heartfelt message ni Jayda.

She posted: “My wish for my dad is always good health and more blessings in his career.

“Sobrang saya na makita ko siya na ginagawa niya ang passion niya.

“Sana patuloy siyang makapagbigay ng inspirasyon sa mga tao through his music and performances.”

As for Jessa, ito naman ang kanyang wish para sa mister: “Good health! ‘Yan ang pinakauna at pinakamahalagang ipinagdarasal ko para sa kanya!”

The couple is also prepping up para sa kanilang 25th anniversary.

Kabilang dito ang paghahanda para sa isang concert, na matagal nang hinihintay ng kanilang mga fans.

Ito’y pinamagatang Sa Aking Puso: The Silver Anniversary Edition Concert sa September 13 sa New Frontier Theatre. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here