Home ENTERTAINMENT Wedding photos nina Bimby at Ryzza, nag-viral!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Wedding photos nina Bimby at Ryzza, nag-viral!July 14, 2026 19:1510 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kasal agad-agad?!Ganito ka-imaginative ang tinaguriang MaeBy fans.Ang MaeBy ay portmanteau ng Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino na ginu-groom bilang loveteam.Sobrang obsessed nga ang mga fans sa kanila to the point na ginawan sila ng wedding photos gamit ang Al o artificial intelligence!Bale ba, tatlong larawan ‘yon na viral sa social media.Sa isang photo, naglalakad sa aisle ng simbahan ang MaeBy.In another photo, makikitang naghihiwa sila ng wedding cake.Sa pangatlo, parang post-wedding rites na ‘yon na naka-pose ang dalawa.Kinilig naman ang mga faney kahit sabihin pang Al-generated ang mga ‘yon.Paramdam ba ito sa nilulutong rom-com movie nina Bimby at Ryzza Mae?Teka, nasa cast din ba sila sa MMFF entry nina Bossing Vic Sotto at Vice Ganda na The Greatest Showdown?Obyus na sinakyan ng mga faney ang sinabi ni Kris Aquino about Ryzza being her future daughter-in-law! Ronnie Carrasco III