Home HOME BANNER STORY Jose Pujalte Jr., nanumpa na bilang bagong Kalihim ng DoH

Jose Pujalte Jr., nanumpa na bilang bagong Kalihim ng DoH

3
0

MANILA, Philippines – Pormal nang nanumpa sa kanyang bagong tungkulin bilang Kalihim ng Department of Health (DOH) si Dr. Jose Pujalte Jr., araw ng Martes, Hulyo 14, 2026.

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangasiwa sa panunumpa sa tungkulin ni Pujalte.

Pinalitan ni Pujalte si dating Health Secretary Ted Herbosa na nagbitiw sa tungkulin dahil sa kanyang kalusugan.

Si Pujalte ay nasa DoH simula pa noong taong 1991 at natapos ang kaniyang orthopedic residency sa Philippine Orthopedic Center noong 1994.

Nagtapos si Dr. Pujalte Jr. sa kursong medisina sa University of the Philippines College of Medicine at kalaunan ay nagtamo ng Master’s Degree sa Hospital Administration mula sa Ateneo Graduate School of Business.

Noong 2008 kinilala rin bilang Career Executive Service Eligible, isang patunay ng kaniyang kakayahan at kahandaan sa parehong larangan ng paggamot at public administration.

Nagsilbi rin siyang guro sa University of the Philippines-Manila, FEU Nicanor Reyes Medical Foundation at San Beda College of Medicine.

“Sa kaniyang pagpasok sa DOH, inaasahang pangungunahan ni Dr. Pujalte Jr. ang ahensya sa pagpapatuloy ng mga hakbang ni Pangulong Marcos Jr. upang higit na mapatatag ang healthcare system ng bansa, maisulong ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan at maisulong ang mabuting kalusugan para sa lahat,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here