Home TOP STORIES GLoan tumulong sa abogada sa Iloilo na pondohan bar review

GLoan tumulong sa abogada sa Iloilo na pondohan bar review

2
0

MANILA, Philippines – Nakatulong ang accessible digital lending kay Atty. Sheila Gomez ng Iloilo upang mapondohan ang kanyang bar examination review at maabot ang pangarap na maging abogado, tampok sa ikaanim na installment ng **GCash Stories: Kasama Mo Mangarap** sa Taguig City noong Hulyo 14, 2026.

Bilang nag-iisang breadwinner ng pamilya, umutang si Gomez ng P24,000 sa GLoan upang tustusan ang kanyang review classes at study materials habang nagtatrabaho sa public service at ipinagpapatuloy ang pag-aaral ng abogasya.

Naipasa niya ang 2024 Bar Examinations sa kanyang ikalawang pagsubok at kalaunan ay nagtayo ng sariling law office sa Iloilo City.

Ang GLoan ang flagship cash-loan product ng Fuse, ang lending arm ng GCash. Ayon sa Fuse, mahigit P406 bilyon na ang naipautang nito sa 11.1 milyong unique borrowers, kung saan 85 porsiyento ang unang beses na gumamit ng formal credit.

Sa pamamagitan ng pag-aalis sa karaniwang requirements tulad ng collateral at masalimuot na dokumentasyon, layunin ng digital platform na matulungan ang mga Pilipino na mapondohan ang edukasyon, maliliit na negosyo at iba pang oportunidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here