MANILA, Philippines – Nagsagawa ng joint greyhound operation ang Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Jail Management and Penology sa San Juan City Jail Female Dormitory dakong alas-5 ng madaling araw.
Pinangunahan ni Acting Warden JINSP Adriana C. Conwi ang operasyon na naglalayong pigilan ang pagpasok at pagkakaroon ng ilegal na droga at iba pang kontrabando sa loob ng pasilidad.








