Home NATIONWIDE Cum laude grad na pupunta sa review class, patay sa bumagsak na...

Cum laude grad na pupunta sa review class, patay sa bumagsak na sanga

31
0

BUCAY, Abra – Halos abot na ang pangarap para maibsan ang kahirapan ngunit nasawi ang isang 21-anyos na cum laude graduate nang mabagsakan ng malaking sanga ng puno ang sinasakyan niyang motorsiklo na minamaneho ng kanyang ama, sa Barangay Siblong, Bucay, Abra.

Puno ng paghihinayang ang mga pamilya’t kamag-anak at kaibigan ng biktimang si Winche Baño, na nagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSEd) major in Science sa University of Abra-Lagangilang Campus.

Napag-alaman na patungo sana sa kanyang review class ang biktima nang maganap ang trahedya.

Biglang nabali ang malaking sanga ng isang fire tree na patay at tuyo na direktang tumama sa mag-ama.

Bagaman kapwa sila nakasuot ng helmet, nawasak ang proteksyon sa ulo ni Baño dahil sa lakas ng impak na nagdulot ng matinding pinsala sa kanyang ulo. Nagtamo naman ng mga galos at bahagyang sugat ang kanyang ama.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay habang ginagamot. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here