Home OPINION ‘NAG-AALALA’ SA KALUSUGAN NG CUSTOMS CHIEF

‘NAG-AALALA’ SA KALUSUGAN NG CUSTOMS CHIEF

2
0

‘ANOTHER feather in his cap,’ ito ang isa sa mga nasasambit natin sa tuwing nakatatanggap ng pagkilala ang ating mga mahal sa buhay, kaibigan, at mga personalidad, bilang pakikiisa at pasasalamat sa kanilang mga naging tagumpay.

At nitong nakaraang Hulyo 7, muling kinilala si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno bilang ‘Outstanding Leader for Customs Modernization and Public Service’—sa BUONG ASYA, mga kabayan.

Dangan kasi, ang pagkilala ay ibinigay ng ‘Asia Golden Icon Award,’ isa mga respetadong ‘award-giving body’ sa panig na ito ng daigdig.

Ang pagkilala ay kaugnay ng kanyang mahusay at matinong “pagtitimon” sa Aduana na dating may reputasyon bilang “notoryus” sa pagiging korap na ahensiya—pero nagawa niyang “burahin” sa loob lang ng isang taon sa pwesto, grabe!

Aber, tingnan ang “listahan” ng ARTA (Anti-Red Tape Authority) kung saan “burado” na sa listahan nito ang BOC bilang isa mga ahensyang “pasaway” dahil sa mabagal na serbisyo sa publiko—na isa sa mga pinagmumulan ng korapsyon sa gobyerno.

Tingnan din ang koleksyon ng Aduana na kahit pa sadyang matumal na ang takbo ng negosyo dahil sa giyera sa Middle East, umabot pa ngayon ang ‘surplus collection’ sa higit P11 bilyon simula Enero hanggang Hunyo!

Sa dami naman ng mga nadagdag na ‘feather in his cap’ dito kay Comm. Ariel sapul nang pumasok siya sa serbisyo publiko may ilang dekada na ngayon, “nag-aalala” na tuloy, Atty. Jek Casipit, ang ilang mga kaibigan niya sa kanyang kalusugan, tama ba, Pareng Jervy M?

Sa dami na nga kasi nang nadagdag na “pakpak” at “balahibo” dito kay Commissioner, kahit pa isa siyang “Agila,” “makalipad” pa kaya siya? O “matabunan” at hindi na “makahinga,” hehehe!

Translation? “Hinay-hinay” pag minsan, Comm. Ariel, dahil kailangan mo ring alalahanin ang kalusugan mo, hane?

At para huwag “mapilayan?” ‘Yung ‘punching bag,’ ay para suntukin ng kamay at hindi para sipain ng daliri sa paa, olrayt?

Ngiti naman d’yan at magpakape ka naman, hehehe!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here