UMANI ng pagpuna o pagpalag ang inanunsyo sa impeachment trial na grado ni Vice President Sara Duterte nang pumasa ito sa Bar Examinations.
Nasa 80% umano ang naging grado niya at mas mataas kaysa ilang abogado na naroon sa bulwagan o kasali kaya sa trial.
Kahapon naman, bumulaga ang kaso ng bagong abogado na nangikil na may grave threats umano ng nasa P400 sa kanyang kliyente sa Taguig City.
Mas matindi ito na dagok sa abogasya kumpara sa dagok na pagkakaroon ng mas mababang grado sa grado ni VP Sara.
Tiyak na sukang-suka ang National Bureau of Investigation sa kaso ng bagong abogado lalo’t isang abogado nila ang pinaggigisa sa impeachment trial at magkahalong pangungutya at respeto ang inaabot nito mula sa mga magkakalabang panig sa impeachment.
Partikular na may pangungutya ang mga panggigisa sa nagkandasablay-sablay na mga pahayag nito at mga dokumentong naglalaman ng affidavit at iba pa na ginamit bilang ebidensya sa Article 4 of Impeachment at nagtuturo pa ng iba na may sala.
Habang nagaganap ang pagpapalabas ng grave threats sa video, bigla ring sumulpot sa ating isipan na may mga abogado sa mga nababangit sa video at may mga abogado rin sa mga prosecutor.
Sinasabi ni Inday Sara, may mga magnanakaw sa salaping bayan at sa paglalarawan ng mga sundalo o ex-Marines, sina Curlee at Sarah Discaya at iba pa na saksi sa flood control scam, hindi lang basta magnanakaw ang mga abogado kundi male-maleta o bag-bag ang pinagnanakaw o pinagkikikbak ng mga ito
Ano kaya ang maramdaman ng mga abogado ngayon sa impeachment trial, sa video at sa bulwagan, na pinararatangan na may male-maleta o bag-bag na kikbak?
Mas masahol ‘yan sa kaso ng may mas mababang grado kay Inday Sara at sa bagong abogado na nangikil na may grave threats.
Huwag naman, attorney!






