Home HOME BANNER STORY Walang drama, walang pagtatago ng katotohanan, inaasahan ng Malakanyang sa susunod na...

Walang drama, walang pagtatago ng katotohanan, inaasahan ng Malakanyang sa susunod na yugto ng impeachment trial

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na inaasahan nito na walang drama at walang pagtatago ng katotohanan ang mangyayari sa susunod na yugto ng impeachment trial ni Vice-President Sara Duterte.

“Ang inaasahan po natin ay walang drama, walang pagtatago ng katotohanan at walang pag-iwas sa totoong issue na kinakaharap dito sa impeachment trial,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Gusto lang naman din po ng lahat ng ating kababayan ay lumabas ang katotohanan at hindi ang drama sa loob ng Senado,” aniya pa rin.

Inihayag ito ni Castro matapos na magpresenta ang prosekusyon ng mga testigo para sa Article IV ng Articles of Impeachment, inihanda ang yugto para sa next phase ng paglilitis na nakasentor sa confidential fund expenditures ni Vice-President Sara Duterte, isang mahalagang usapin na inaasahan na mangingibabaw sa pagpapatuloy sa mga susunod na araw.

Binasura naman ni Castro ang argumento ng depensa na handang makipag-ayos si Pangulong Marcos sa pamilya Duterte.

Tinuran ni Castro na ang pahayag ni Panbulong Marcos ukol sa pagkakasundo ay sumasalamin sa hangarin nito na magkaisa ang lahat ng mga filipino, maging anuman ang political differences, at walang bearing sa alegasyon na pinakikinggan sa impeachment court.

“Hindi nabubura ang pagbabanta sa buhay ng Pangulo, ni First Lady at ni dating House Speaker ng Bise Presidente,” aniya pa rin.

Samantala, hinamon naman ni Castro si VP Sara na ilantad ang kanyang financial record kung talagang wala siyang itinatago, matapos na kontrahin ng depensa ang requests sa access bank, Bureau of Internal Revenue (BIR), at Anti-Money Laundering Council (AMLC) documents sa constitutional grounds.

“Kung walang kinakatakutan, obligasyon naman niya sa taumbayan ipakita ang katotohanan,” anito.

Gayunman, sinabi ni Castro sa ngayon ay wala pang request ang nakararating sa Office of the President na humihiling na buksan ang selyadong BIR records ni VP Sara. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here