Home NATIONWIDE DOrSU nangako ng tulong sa mga nasaktang estudyante sa aksidente sa trak...

DOrSU nangako ng tulong sa mga nasaktang estudyante sa aksidente sa trak sa Bukidnon

2
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng Davao Oriental State University (DOrSU) ang buong suporta sa mga student intern nito na nasaktan sa aksidente sa trak sa Maramag, Bukidnon.

Ang apat na estudyante ay nananatili sa ospital, kabilang ang isa na nasa intensive care unit (ICU).

Sa pahayag sa social media, sinabi ng unibersidad na nakahanda silang suportahan ang kapakanan ng mga estudyante nito kasabay ng pagsisiguro ng kailangang atensyong medikal at tulong kasunod ng Hulyo 15 na aksidente.

Ayon kay Master Sgt. Sheilder Bartolaba Abellanosa, ng Maramag Municipal Police Station, sakay ng elf truck ang 50 student interns ng DOrSU para makisakay sa Philippine Carabao Center (PCC) sa Central Mindanao University (CMU) Dairy Farm, kung saan sila pumapasok para sa on-the-job training, pabalik sa XCMU campus kung saan sila pansamantalang tumutuloy.

Ayon sa pulisya, bumigay ang drop-side ng trak habang binabagtas ang Lumbo–Dologon highway dahilan para mahulog ang mga estudyante sa kalsada.

Bumyahe patungo sa Bukidnon si DOrSU President Dr. Roy G. Ponce, kasama ang mga opisyal ng unibersidad para suriin ang sitwayon at pangasiwaan ang tugon ng unibersidad.

Mahigpit na minomonitor ng unibersidad ang kondisyon ng bawat mga estudyante at nakikipag-ugnayan sa ospital para magbigay ng medical assistance, counseling, transportation, at komunikasyon sa kanilang mga pamilya.

Umapela naman ang DOrSU sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Nilinaw din ng unibersidad na ang lahat ng mga sangkot ay pawang mga student intern ng DOrSU na naka-assign sa CMU Dairy Farm para sa kanilang on-the-job training. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here