Home NATIONWIDE Heat index sa Infanta, Quezon pumalo sa 49°C

Heat index sa Infanta, Quezon pumalo sa 49°C

1
0

MANILA, Philippines – Naitala ang mapanganib na heat index sa Infanta, Quezon nitong Huwebes, Hulyo 16 sa 49 degrees Celsius.

Ang naturang temperatura ay naitala alas-2 ng hapon.

Ayon sa PAGASA, ang heat index na mula 42°C hanggang 51°C ay nasa ilalim ng “Danger” category na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Inabisuhan ang mga residente ng naturang bayan na uminom ng maraming tubig, magsuot ng light at comfortable clothing at iwasang magbabad sa initan mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here