Home NATIONWIDE P1.12M shabu nasabat sa kambal na operasyon sa CDO

P1.12M shabu nasabat sa kambal na operasyon sa CDO

1
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P1.12 milyong halaga ng shabu kasabay ng pagkakaaresto sa tatlong indibidwal sa kambal na operasyon sa Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City nitong Huwebes, Hulyo 16.

Kabilang sa mga naaresto ang dalawang high-value targets.

Ang unang pag-aresto ay naganap 2:24 ng madaling araw sa KM-1, kung saan naaresto ng Lumbia Police Station 8, City Mobile Force Company (CMFC), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) ang 35-anyos na babaeng high-value individual na kinilalang si alyas “Pet-pet.”

Inilarawan ng pulisya si Pet-pet bilang isang
elementary graduate at residente ng Barangay Iponan, na isang helper at kalaunan ay naging dealer ng iligal na droga sa loob ng apat na taon bilang pangunahing pinagkakakitaan nito.

Nakumpiska sa kanya ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 kasama ang coin pouch, at P500 na buy-bust money.

Bandang 10:10 naman ng umaga ay naaresto sa operasyon ng City Drug Enforcement Unit, CMFC, at PDEA-10 ang dalawang suspek sa loob ng Lumina Homes, sa Barangay Lumbia.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Chan,” 37-anyos na isang high-value individual, at kasabwat nitong 45-anyos na si alyas “Rolf.”

Nakuha naman dito ang 115 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P782,000 kasama ang drug paraphernalia at marked buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here