Home HOME BANNER STORY Konsehal sa BARMM binaril-patay sa unang araw ng election gun ban

Konsehal sa BARMM binaril-patay sa unang araw ng election gun ban

1
0

MANILA, Philippines – Binaril-patay ng hindi pa tukoy na gunman ang konsehal ng bayan ng Kadayangan sa Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang insidente ay naganap sa Midsayap, Cotabato bandang alas-3 ng hapon ng Huwebes, Hulyo 16, na sakto pa sa unang araw ng gun ban kaugnay sa Sept. 14 BARMM parliamentary elections.

Kinilala ng Midsayap Municipal Police Station ang biktima na si Kadayangan Councilor Nasser A. Dalandang, 37.

Si Dalandang ay sakay ng kanyang Toyota Hilux habang naghihintay sa asawa na bumibili ng gamot sa drugstore sa national highway sa Barangay Salunayan, Midsayap.

Dito na dumating ang dalawnag lalaki na sakay ng motorsiklo at binaril nang malapitan si Dalandang saka tumakas.

Isinugod pa sa ospital ng mga rumespondeng sundalo ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Narekober sa lugar ang empty .45-caliber pistol shells.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa likod ng pag-atake at pagkakakilanlan ng mga sangkot dito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here