NEW ZEALAND – Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang bayan ng Te Anau sa South Island, New Zealand.
Naitala ang epicenter nito 40 kilometro hilaga ng Te Anau, ayon sa National Emergency Management Agency (NEMA).
Unang naitala sa magnitude 6.3 ang lindol ngunit ibinaba ito sa magnitude 5.9.
Bagamat kinansela na ang itinaas na tsunami alert, sinabi ng NEMA na ang coastal areas ay maaaring makaranas ng “strong and unusual currents and unpredictable surges at the shore”. RNT/JGC